Shine for my Saviour...

Tuesday, January 8, 2008

Crunkies at skew...

No wonder the Philippine education is worse. Now I see the picture.”

- Wo Laoshi
January 8, 2008

Galit na galit si Laoshi, sa dalawang linggong bakasyon ay walang matino at nagsumikap na kabisaduhinn ang script.

Nagngingitngit ang pulseras nyang “light blue” ang ingay daw ng klase namin. Pinapagod nanaman niya an gaming isipan sa mga paalalala niya sa aktividades na gagawin namin ngayon buwan ng Enero.

“Ganyan ba ang kilos ninyo? Di kayo naawa sa sarili nyo. Why not kilos when there is time.. diba?” galit na sabi sabay hawak sa mga taleta at pinasok ito sa kanyang kalupi. Sabay lagok ng kekoukele(mandarin ng coke) in can.

21 ka na bakla”. Sigaw ni Jakjak. Birthday ngayon ni Bugoy(aka Joy).
Chelsea, Chelsea” Tawag ni Bugoy kay Buhawi. Na tumutukoy sa manyika sa Patayin sa sindak si Barbara.
kala ko naman kong sinong Chelsea” sagot ni Buhawi Jack. “Basa ko pa dun Chel..se..ya..”

Hay Hay… Nakikita ko si Juling.. naka kyutiks na itim.. Maangas. Nagsisi ako na
hindi ako naglagay ng itim na kyutiks kagabi at pinangkulay ko na lang sa
sapatos ko. TOTOO! Ayan, kasalukuyan siyang nagdodoodles sa notebook,
nagdodrowing ata ng fishbone(LOL!) at iyan hinawi nya ang buhok nya. WAW!
EMONG-EMO..

Inutusan nanaman si Joseph. Bat ganyan yun buhok nya? Parang isa sa mga cast ng “Kung Fu Kids”. Everybody goes Kung Fu Fighting.

WOOOAAAHHHHHHHHH!!! BINGOOOO!!!. Nahuli sa akto si Bugoy at Jerbie(Joey) na nagdadaldalan. “Stop chismising” sigaw si Laoshi. “wag na pag-usapan ang mga boyfriend- boyfriend” pahabol pa.
Wala nga kaming boyfriend”. Tanging reaksyon ni Bugoy.

Balik tayo kay Laoshi May bagong midterm alternative… CLOSE IT NA. Ayaw na naming ng bagong script. Laban na.. Laoshi make himself clear daw. Wala na, talo na ang mga sumisigaw ng close it. Nanaig ang takot sa 5.00 ng mga kaklase ko. Susugal
Kami sa wala, papasok kami sa karayom na walang butas (o aspile). As usual wala nanaman papasa.

Hao!! Este Ok,.. Ang napagpasyahang midterm ay Fone Conversation. Baliwala ang pagod at pagpupuyat ko sa ginawa kong script. Wala ng urungan ito. Isinusulat na sa blackboard yung script. Hindi ko maintindihan ang sulat niya.

Bagong taon na, magbagong buhay na Kayo” sigaw ni Claire habang ang lahat ay kumukopya. Ako lang ang walang interest kumopya. Nakakatamad eh..
Dalian nyo copy, Kasi pag puno na dito erase ko na ito. Im not going to wait for you.” Paalala ni Laoshi.

Parang timang si Jack.. Hehe. Ang rahas.. Pagtapos tumawa dahil sa sobrang kaligaligan ay binatukan si Sittie ng walang kaalam-alam.

Isang ewan na balita, dumating na si Lundun Boy, ang masaya may gf na daw siyang “French”. At sabi pa kay Sittie “I-kiss mo nalang ako pag nagkita kayo”. Natawa ako. Naisip ko na ayaw ko pa palang magboyfriend.

Ibahin ang usapan, Natuwa din pala ako ng mabanggit kanina ni Laoshi na mas mabuti pang magresign nalang daw siya at sinabing “I am going to take care of my mom, we’ll go shopping. Kahit na wala akong pera atleast masaya siya”. Nasabi ko sa isip ko “Godbless you Laoshi”. Natutuwa ako sa mga mapagmahal na tao.

Biglaang Balita…. Nanakawan ang isa sa mga kaklase ko ng wallet. Apat na libo ang laman. Ang payo ni Laoshi ay “wag kayong shonga-shonga".

Mamamia.. di parin kabisado ang Yi, Er, San.” Natatawang at pailing na sabi ni Laoshi samin.
Laoshi Italyano na kayo” hirit ni Medhi.

1:20 pa lang” sabi ni Jack.. Ang tagal ng oras. Alas tres pa ang labas namin dito.. Mapipilitan akong magsulat..

Magsusulat na ako.

At dito ito natatapos.



LOL!. That’s what happens in our Mandarin class. It’s like we’re taking a rollercoaster ride of emotions. The scenario is there’s a moment of the prof nagging at us real mad, students (we) pleading for a lighter language activity and in the end everything will just burst a sweet smiles and laughter..




Some pics in Mandarin Class.








Friends:


kulang nanaman

jowaa wannabee..


happy birthday montealeger..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home